Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at former Japanese Prime Minister Kishida Fumio ang mas pinaigting na kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa usaping enerhiya, kasabay ng patuloy na epekto ng global instability sa suplay ng enerhiya.
Sa kanilang pulong sa Malacañang, binigyang-diin ni Marcos ang agarang pangangailangan para sa energy security, lalo na sa gitna ng tensyon sa Middle East na nakaaapekto sa pandaigdigang sistema ng enerhiya.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa patuloy na suporta ng Japan, partikular sa pagtulong na matiyak ang sapat na suplay ng fuel sa bansa sa kabila ng mga pagkagambala sa global supply.
Tinalakay rin ng dalawang panig ang pagpapabilis ng paglipat mula sa fossil fuels patungo sa renewable energy, bilang bahagi ng pangmatagalang solusyon sa krisis sa enerhiya.
Umaasa si Marcos na makatutulong ang mga inisyatiba sa ilalim ng Asia Zero Emission Community (AZEC) upang mapalakas ang energy resilience at matugunan ang mga hamon sa sektor. (report by Bombo Jai)
















