Postibo ang naging reaksyon ni former Senator Antonio Trillanes IV nang patotohanan na ng Anti-Money Laundering Council o ALMC ang kanyang mga rebelasyon.
Matapos ang pagdalo sa naganap na ikatlong pagdinig ng House Justice Committee sa ‘impeachment’ laban kay Vice President Sara Duterte, ibinahagi nito ang kanyang pagkalugod ng magkaroon ng kumpirmasyon ang patungkol sa kanyang mga sinasabi.
‘I feel relieved’ aniya nang kumpirmahin mismo ng Anti-Money Laundering Council ang isinapubliko nitong impormasyon hinggil sa mga transaksyon ng pamilya Duterte sa bangko.
Subalit aminado siyang ikinalungkot niya na sampung taon pa ang lumipas bago lumabas ang katotohanan ukol sa 18 transaksyon ng mga Duterte sa banko nagkakahalaga ng milyun-milyon piso.
Umaasa ang dating mambabatas na magtutuloy-tuloy ang pagdinig sa ‘impeachment’ upang maalis na aniya ang umano’y pagpapanggap ng pamilya Duterte.
Tahasan niyang sinabi na ang mga pera raw nila’y galing sa ilegal na droga kung kaya’t hiling sa publiko na mamulat sa mga rebelasyon nagkakaroon na ng kumpirmasyon.
Kaugnay pa rito’y hiniling din niya sa publiko na siya’y pagkatiwalaan sa mga impormasyon natutuklasan at inilalahad sa taumbayan.
Kanyang binigyang diin na ang mga rebelasyon ay hindi imbento o gawa-gawang mga kwento lamang.
Tugon naman ni Vice President Sara Duterte na malinis ang kanyang ‘service record’ at hindi kailanman umano nagkaroon ng kaso sa paggamit ng pondo ng bayan.
















