-- Advertisements --

Iginiit ni Former Sen. Antonio Trillanes IV na isang “existential threat” sa demokrasya ang pamilya Duterte, kasunod ng pahayag ng International Criminal Court na maaaring umusad sa paglilitis ang kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng war on drugs.

Ayon kay Trillanes, hindi pa tapos ang kanyang “misyon” na papanagutin ang pamilya Duterte at pigilan ang kanilang muling pag-akyat sa kapangyarihan. Kasabay nito, nahaharap din sa impeachment proceedings si VP Sara Duterte.

Binanggit din niya ang umano’y unexplained wealth ng Bise Presidente, na sinusuportahan aniya ng mga financial records na tumugma sa ilang transaksyon na kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council.

Binigyang-diin ni Trillanes ang pangangailangan ng patuloy na pagbabantay o “eternal vigilance,” lalo’t nananatiling malakas ang impluwensya ng pamilya Duterte at may posibilidad pa itong makabalik sa kapangyarihan sa mga susunod na halalan.

Nauna namang itinanggi ni VP Duterte ang mga alegasyon, at sinabing matagal nang inuulit ang parehong paratang laban sa kanya nang walang pagbabago sa ebidensya. (Report by Bombo Jai)