-- Advertisements --

Naghayag ng pangamba si Sen Raffy Tulfo sa lumalalang pang-aabuso sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho abroad, kasabay ng epekto ng krisis sa Middle East at job displacement ng mga OFW.

Sa Senate hearing, sinabi ni Tulfo na maraming job seeker ang napipilitang tanggapin kahit illegal na trabaho dahil sa pangangailangan.

Ilan sa mga kaso na inilatag niya ay mga kababaihang na-recruit bilang massage therapist sa Malaysia ngunit napunta sa mapang-abusong sitwasyon, pati na rin mga pangakong trabaho sa Japan at Canada na nauwi sa panlilinlang.

Nanawagan ang senador ng mas mahigpit na parusa laban sa illegal recruiters at traffickers, dahil patuloy pa rin ang mga ganitong kaso kahit may umiiral na batas. (report by Bombo Jai)