VIGAN CITY – Siniguroo ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella na patuloy pa rin ang pag eensayo ni weightlifter Hidilyn Diaz sa Malaysia para sa pinakahihintay na 2021 Tokyo Olympics.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Puentevella, isang senyales umano na nakakondisyon pa rin ang katawan ng atleta para sa kanyang laban matapos nitong makamit ang gintong medalya sa nakalipas na 2020 Oceania Weightlifting Federation Eleiko Email International Lifters Tournament.

Matapos ang kanyang pagkapanalo ay agad naman itong nagtungo sa Malaysia kasama ang kanyang mga coaches, nutritioners at mga psychiatrist upang mabantayan ang kalagayan nito.

Sinusunod naman umano ng atleta ang lahat ng direktiba sakanya upang maging physically fit pa rin ito sa kanyang laban.