-- Advertisements --

Magsisimula na bukas, Mayo 24 ang ika-65th Palarong Pambansa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium (FEMMS), Laoag City, Ilocos Norte. Isa sa mga mangunguna sa pagbubukas ay ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Magtitipon-tipon ang nasa 15,675 na delegado at opisyal mula sa 17 rehiyon, National Academy of Sports (NAS), Philippine Schools Overseas (PSO), at National Technical Working Group para sa isang linggong selebrasyon.

Kaugnay nito, inaasahan din na pormal na pasisimulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbubukas ng Palaro. Bibigyang-diin niya ang mahalagang papel ng kabataan at palakasan sa paghubog ng bayan.

Samantala, pangungunahan naman ni Olympic champion Hidilyn Diaz ang Panunumpa ng mga coach at technical officials.

Magsisimula ang seremonya ng pagbubukas sa ganap na 5:00 ng umaga sa pamamagitan ng pagparada ng mga atleta.

Mangunguna sa Panunumpa ng Atleta si Gerick Jhon Flores, isang batang atleta sa baseball at record-holder sa 11th BFA U12 Asian Baseball Championship. Pagdating naman sa lighting of torch ang mga mangungunang atleta ay sina Jemmuelle James Espiritu (Archery), Mark Anthony Domingo (Athletics), Jesson Cid (Decathlon), Roger Tapia (Para-athletics), at Eric Ang (Trap Shooting).