Pinatunayan ni Matthew Diaz na nasa dugo niya ang weightlifting matapos niyang masungkit ang unang gintong medalya sa demonstration event ng Palarong Pambansa 2025, na ginanap sa Laoag Central Elementary School sa Ilocos Norte.
Si Diaz ay pamangkin ng kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz, ay nagdomina sa secondary boys’ 48kg division matapos magbuhat ng 73kg sa snatch at 93kg sa clean and jerk.
Kinatawan ng Region IV-A, si Diaz ay kabilang sa 70 atleta na kalahok sa demonstration event ng weightlifting.
Samantala nakamit ni Generosmel Cortez ng Region IX ang silver medal, habang si Rayney Joy Espina ng National Capital Region (NCR) ay nag-uwi ng bronze —bumuo sila ng unang podium finishers sa kasaysayan ng weightlifting sa Palaro.
Ayon kay Hidilyn Diaz sa isang naunang panayam, ang pagsali ng weightlifting sa Palarong Pambansa ay malaking hakbang sa pagtuklas ng mga bagong atletang maaaring maging susunod na Olympians ng bansa.