-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang pagtatapos niya ng Project Management.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang pagtatapos niya sa Benilde SPACE Continuing Education na may diploma sa Project Management.

Dagdag pa nito na kaya niya ipinursige ang kurso ay para paghandaan ang sarili sa bagong responsibilidad.

Bilang Athletes Representatives ng International Weightlifting Federation (IWF) ay pangarap niyang magkaroon ng sports na weightlifting sa bawat rehiyon ng bansa.

Siya rin ang Technical Delegate sa Palarong Pambansa kung saan umaasa itong maging regular sport na ang weightlifting sa Palaro.

Una ng nagtapos si Hidilyn sa De La Salle Univeristy bilang bachelor’s degree in business administration major in management noong Hulyo 2023.

Noong Hulyo 2024 ay itinayo ng Tokyo 2020 Olympian ang weightlifting academy sa Rizal.