Ang pagkakaroon ng mahinang relasyon ng sa pagitan ng US at Russia ang siyang dahilan kung kaya’t pumayag si Russian President Vladimir Putin na makipagkita ay US President Joe Biden sa Geneva, Switzerland.
Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na nasa critical level na ang relasyon ng dalawang bansa at mahalaga ang pagkakaroon ng summit ng dalawang bansa.
Ito lamang ang nasabing paraan para hindi lalong lumala ang relasyon ng dalawang bansa.
Magugunitang noong Abril kasi ay inanunsiyo ni Biden ang pagpataw nito ng sanctions sa Russia dahil sa pakikialam nito sa 2020 US elections, ang human rights abuse sa Crimea at ang SolarWinds cyberattack.
Noong Marso ay umalis si Russian ambassador to the US Anatoly Antonov mula sa Washington matapos na tawagin ni Biden si Putin bilang killer kung saan bumawi ang Russia at pinauwi si US Ambassador to Russia John Sullivan.
















