-- Advertisements --
Binalaan ni US President Donald Trump ang mga nasa likod ng drug cartels sa Mexico.
Ayon sa US President na maaring magsagawa sila ng airstrikes gaya ng ginawa nila sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga mula sa Venezuela.
Dagdag pa nito na sa tuwing nakakausap niya ang Mexico ay alam nila ang kaniyang pakay na desidido sila para patigilin ang paglaganap ng iligal na droga.
Una ng kinondina ni Mexican President Claudia Sheinbaum na hindi niya papayagan ang anumang airstrike sa kaniyang bansa.
















