Inulit ng Iglesia Ni Cristo (INC) nitong Martes ang pagtutol sa anumang aksyon na lumalabag sa Konstitusyon, kasunod ng pagtatapos ng kanilang two-day rally laban sa korapsyon noong Lunes ng gabi.
Ayon sa INC, mula pa sa simula ay tutol na sila sa mga kilos na labag sa Konstitusyon.
Ani INC General Evangelist Bienvenido Santiago Jr., layunin ng protesta na humiling ng konkretong aksyon laban sa korapsyon sa flood control projects, at hindi ang pagbagsak ng gobyerno.
Bagama’t nakatakda ang rally mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa Quirino Grandstand, tinapos na ito ng INC noong Nobyembre 17 dahil sa malawak at mabilis na media coverage na nakatulong sa kanilang layunin ng paghiling ng hustisya at pananagutan.
Nagpasalamat din ang INC sa pambansa at lokal na pamahalaan para sa koordinasyon.
Sa ikalawang araw ng rally, inakusahan ni Senator Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng paggamit ng droga, na tinawag ng Malacañang bilang desperadong hakbang.
















