-- Advertisements --

faustino3

Malaking dagok umano sa communist group sa Mindanao ang pagkakapatay sa top NPA leader na si Jorge Madlos aka Ka Oris matapos ang operasyon ng militar sa pangunguna ng 403rd Brigade sa Sitio Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon kahapon October 30, 2021.

Ayon kay AFP chief of staff Gen. Jose Faustino, malaking kawalan sa grupo si Ka Oris at ang kaniyang pagkamatay ay magdudulot daw ng pagkakaudlot sa rebeldeng grupo na ipursige pa ang kanilang mga masasamang plano gaya ng paghahasik ng karahasan.

“His death will deter the activities and plans by the NPA for he can no longer direct the communist terrorists violent actions against our people,” pahayag ni Gen. Faustino.

Dagdag pa ni chief of staff, “this is a major blow to the Communist Terrorist Group in Mindanao and will usher in the eventual peace in the region.”

Nananawagan naman ang AFP sa mga nananatiling lider at miyembro ng communist armed movement na magbalik loob na lamang sa pamahalaan at huwag ng hintayin na sila ay mapatay pa sa engkwentro laban sa mga government forces.

Siniguro ni Faustino na lalo pang paiigtingin ng militar ang kanilang kampanya laban sa insurgency.