-- Advertisements --

Ibinunyag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Jesus Crispin Remulla na kabilang ang isang kongresista sa mga naisyuhan ng ‘Immigration Lookout Bulletin Order’.

Kung saan kanyang ibinahagi na kasama partiKular ang kinatawan ng Magbubukid Party-list na si Rep. Ferdinand Beltran.

Nasa listahan aniya ito sa mga naisyuhan ng ‘travel monitoring’ kaugnay ng pagkakasangkot sa maanomalyang ‘flood control projects’.

“We have a feedback na may nagrereklamo sa House, that one of those issued an ILBO is a congressman,” ani Sec. Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice.

Bagama’t hindi aniya ito ganun kakilala, aminado ang kalihim na sila’y naalarma kasunod ng magreklamo ang naturang kongresista.

Tumawag raw ito ng ilang beses sa kagawaran at kinuwestyon ang pagkakabilang sa listaha ng mga isyuhan ng naturang ‘travel monitoring’.

Giit naman ng naturang kalihim, hindi porket aniya opisyal ang nagrereklamo ay kanila na itong aalisin sa listahan.

Magiging patas umano ang kagawaran at tiniyak na mananatili at paninindigan ang inisyung ‘Immigration Lookout Bulletin Order’ kontra sa naturang kongresista.