-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) kung bakit naantala ang paglabas ng mga updates sa mga kumakalat na variant ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na na-contaminate ang kanilang makina na nagsasagawa ng genome sequencing sa mga samples kaya ito ang naging dahilan ng pagkaantala ng mga paglabas ng mga samples.

Kasalukuyan na nilang inaayos ang problema gaya ng pagsagawa ng preventive maintenance.

Mabilis na ito naayos at nagsasagawa na ito ng bagong batch ng sample na maaring ilabas sa Biyernes o Sabado ang mga resulta.

Mayroon kasing 750 samples kada linggo ang pinoproseso ng Philippine Genome Center.

Huling naglabas ng resulta noong Marso 19 kung saan mayroong 223 kaso ng B.1.1.7 variant o United Kingdom variant ang naitala, 152 kaso ng B.1.351 o South Africa , isang kaso ng P.1 o Brazil variant at 104 cases sa P.3 Philippine variant.