Nagbabala ang United Nation experts na tataas ang kaso ng Zoonotic disease o ang paghawa ng sakit ng hayop sa tao kapag hindi titigil ang mga tao sa pagdiskubre at pagkain ng mga wild animals.
Maraming mga bansa kasi ang nagbabalewala sa zoonotic disease na kumikitil ng buhay ng 2 milyong katao kada taon.
Ilan sa mga inihalimbawa dito ay ang Ebola, West Nile virus at Sars na nagmula sa hayop at lumipat sa mga tao.
Sinabi ni Inger Andersen, under-secretary ng United Nations Environment Programme and the International Livestock Research Institute, na isa ang wildlife exploitation, resource extraction at climate change ang nagdudulot ng pagkakahawa ng mga sakit ng hayop patungong sa tao.
Isa sa pangunahing paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng anumang outbreak ay ang pag-alaga sa kalikasan.