-- Advertisements --

Tinanggal na ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 bilang “global health emergency”.

Ang nasabing pahayag ay nagrerepresenta na papalapit na ang tuluyang pagtatapos ng pandemya na nagsimula noong nakaraang tatlong taon.

Lubos na bumagsak ang bilang ng nasawi dahil sa virus na mula dating 100,000 katao kada linggo noong Enero 2021 ay naging mahigit 3,500 na lamang noong Abril 24.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na makailang beses na nagpulong ang Emergency Committee at sa ika-15 pagpupulong at inirekomenda nila sa kaniya ang pagtatapos ng public health emergency of international concern ang COVID-19.