NAGA CITY – Binigyan diin ni Col. Felix Servita, city director ng Naga City Police Office (NCPO) na ang pagiging business at commercial city ng Naga ang dahilan sa magkakasunod na malalaking halaga ng droga na nakukumpiska sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Servita, sinabi nito na maliban sa pagiging commercial city, daanan din ang lungsod ng mga papasok at palabas sa Luzon.

Nilinaw din ng direktor na mula pa sa ibang mga lugar ang nagbabagsak ng iligal na droga sa naturang lungsod.

Kung maaalala, halos magkakasunod na operasyon ng mga otoridad ang ginawa sa iba’t ibang lugar sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa lang mga drug personality at pagkakakumpiska sa malalaking halaga ng pinaniniwalaang shabu.