-- Advertisements --

Ipinaliwanag ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang pag-aresto sa mga hindi pa nabakunahan laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagpipilit na lumabas ay dapat lamang gamitin bilang huling paraan.

Kasunod na rin ito ng direktiba ng DILG sa mga local government units (LGUs) na paghigpitan ang mobility ng mga indibidwal na wala pa ring covid shots pero dapat ay naaayon pa rin sa batas.

Kasunod na rin ito ng direktiba nu Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na layon ng panukala ay upang protektahan ang mga hindi pa nabakunahan mula sa respiratory disease sa gitna ng pagtaas ng mga kaso dahil sa variant na Omicron.

Sila daw kasi ay madaling kapitan ng naturang virus kaya ay kailangang protektahan ang ating sistema ng pangangalagang pangkalusugan mula sa labis na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus dahil sa Omicron variant.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng barangay na “pigilan” at “arestuhin” ang mga taong hindi nabakunahan laban sa COVID-19 na patuloy na gumagala.

Nauna nang sinabi ng mga rights advocate na ang pagkilos ay may diskriminasyon dahil ang ilang mga tao ay walang access sa pagbabakuna.