-- Advertisements --

Namataan ang isang low-pressure area (LPA) na nabuo sa may kanlurang bahagi sa labas ng Pilipinas ngayong araw ng Sabado, Agosto 16.

Base sa monitoring ng state weather bureau, huling namataan kaninang umaga ang namumuong sama ng panahon sa distansiyang 805 kilometers kanluran ng Iba, Zambales.

Subalit ayon sa weather bureau, mababa sa ngayon ang tiyansa nitong mabuo bilang bagyo sa susunod na 24 oras.

Tinataya din na hindi ito papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay state weather specialist Grace Castañeda, ang magiging galaw ng LPA ay pakanluran-hilagang kanluran o hilagang kanlurang direksiyon, palayo sa kalupaan.

Subalit ang trough o buntot nito ay magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw ng Sabado hanggang bukas, Linggo karamihan sa parte ng Hilaga at Gitnang Luzon.