NAGA CITY – Inaasahan ang dagdag na floating assets at mga rubber boats mula sa Philippine Coast Guard (PCG)-District Bicol na ipapadala sa Camarines Sur sakaling maramdaman na ang masamang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ens. Bernard Pagador Jr., station commander ng PCG-CamSur, sinabi nitong mayroon lamang silang halos 50 PCG personnel na hindi sapat kung ikakalat sa iba’t ibang critical areas sa CamSur.
Kaugnay nito, nag-request na aniya siya ng dagdag na puwersa sa regional office na inaasahang darating anumang oras.
Sa kabila nito, pinaghahanda na rin ng mga otoridad ang mga residente na nananatili sa mga flood at landslide prone areas sa CamSur at Naga City.
Samantala mamayang hapon, magsasagawa ng pagtitipon ang Provincial at City Disaster Risk Reduction Management Council para sa mga ilalatag na security measures at disaster response sakaling tumama ang binabantayang sama ng panahon sa lalawigan.