Tinitignan na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang paggamit ng teknolohiya sa pagsusuri o pag-eevaluate ng mga tinutukoy na ghost o kwestyonableng flood-control projects sa bansa.
Ayon kay ICI Spox Brian Keith Hosaka, pagkatapos kasi ng technical o field investigation ng komisyon, kailangan na itong suriin sa pamamagitan ng mismong pagpunta sa site o ang paggamit ng makabagong teknolohiya.
Matatandaang inihayag ng komisyon na ang 421 ghost flood control projects, na batay sa ulat ng DPWH, AFP, PNP at Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) ay sinisiyasat na rin ng komisyon upang kung mapatunayan na may anomalya sa proyekto ay masama bilang ebidensya sa mga kaso na kanilang inirerekomenda sa Office of the Ombudsman.