Itinakda sa Marso 25 ang unang pagdinig sa criminal case na inihain kay dating US President Donald Trump.
May kaugnayan ito sa pagbabayad niya malaking halaga ng pera sa ilang personalidad gaya ni adult actress Stormy Daniels para manahimik at huwag ito siraan noong 2020 elections.
Binigyan umano ni Trump si Daniels ng $130,000 nooong 2016 para manahimik at huwg isiwalat na nagkaroon sila ng relasyon.
Kasama rin na inakusahan ang dating pangulo ng pamemeke ng business records sa pamamagitan na ang bayad ay para sa legal fees.
Isinagawa ni New York Justice Juan Merchan ang anunsiyo matapos na ibasura niya ang motion ni Trump na dapat mabasura na ang kaso laban sa kaniya.
Nahaharap si Trump ng 34 counts of fraud sa ilalim ng campaign finance laws kung saan naghain siya not guilt plea sa lahat ng nasabing kaso.