-- Advertisements --

Ligtas na nakauwi ng Pilipinas ang pitong Pilipinong naging biktima ng human trafficking sa Myanmar,

Ang kanilang matagumpay na pagdating sa bansa ay kinumpirma mismo ng Bureau of Immigration.

Ang mga nasabing biktima ay binubuo ng apat na babae at tatlong lalaki.

Ayon sa mga awtoridad, sila ay biktima ng pang-aabuso, pinilit na magtrabaho nang labis-labis na oras, at ilegal na ikinulong laban sa kanilang kalooban sa loob ng Myanmar.

Ibinahagi ng mga biktima ang kuwento kung paano sila naengganyo sa pamamagitan ng mga alok na trabaho na ipinadala sa kanila sa pamamagitan ng online messaging app.