Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalong palalakasin ng gobyerno ang kampanya laban sa iligal na droga, subalit may mga ilalatag na polisiya sa istratehiya na tututok sa pagbuwag ng drug syndicates at ang pagpapalakas sa reeducation programs.
Target din ng Marcos Jr,. administration na buwagin ang mga sindikato ng iligal na droga.
Nais din ng Pangulo na magkaroon ng reeducation program kung saan ipapaliwanag sa mga kabataan ang pinsala na maidudulot ng iligal na droga sa kanilang buhay.
Tumanggi naman magbigay ng komento ang chief executive sa anti-drug campaign ng nagdaang administrasyon, subalit ayon sa Pangulo nananatiling source ng mga insidente sa krimen sa bansa ang iligal na droga.
Inihayag ng Pangulo na bumuo na siya ng isang komisyon at hiniling ang pagbibitiw ng lahat ng mga police officers na pinaniniwalang sangkot sa illegal drug trade.
Dagdag pa ng Pangulo nasa 917 resignations mula sa mga police officers mula sa colonel level ang nagsumiti na ng courtesy resignation at ongoing na ang imbestigasyon sa mga ito.
Siniguro naman ng Pangulo na magiging malakas ang kaso laban sa mga PNP officials na sangkot sa illegal drug trade.
Ipinunto din ng Pangulong Marcos na bahagi ng kaniyang pangako nuong kampanya na gumawa ng kakaibang approach para tugunan ang problema sa iligal na droga lalo na ang paglilinis sa hanay ng Pambansang Pulisya.
















