-- Advertisements --

airforce1

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “on track” ang pagbili ng Multi-Role Fighter (MRF) aircraft para sa Philippine Air Force (PAF).

Ito ang inihayag ng kalihim matapos na sumakay sa isa sa mga FA-50 fighter jets ng PAF na nagsagawa ng aerial maneuvers na tinawag na “Sanay Datu”: Air Defense Exercise sa Basa airbase sa Pampanga kahapon.

Ayon sa kalihim, ito ang unang pagkakataon sa loob ng 25 taon na nakapagsagawa ng air defense exercise ang Air Force dahil ngayon lang sila nagkaroon ng mga modernong eroplano.

Ayon sa kalihim sa halip na bumili pa ng 12 mga FA-50 fighter jets na pandagdag sa kasalukuyang 12, ang mga multi-role fighters na lang ang kanilang bibilhin.

airforce4

Sinabi nito nasa 24 na MRF aniya ang gusto sana nilang bilhin, pero 12 muna sa ngayon.

Higit aniyang mahalaga sa panahong ito na magkaroon ng credible air defense dahil sa sitwasyon sa rehiyon na may kinalaman sa West Philippine Sea.

Naniniwala kasi si Lorenzana na lalo pang mapapalakas ang capability ng PAF sa sandaling ma-procure na ang mga multi-role fighter aircraft na tutulong sa pagbabantay sa territorial space ng bansa.