-- Advertisements --
Bumuhos ang pagbati mula sa kaniyang kasamahan sa showbiz matapos na makumpleto na ng singer na si Ronnie Liang ang kaniyang Civil-Military Operations (CMO) Officer Correspondence Course.
Pumasok ito sa Philippine Army course mula Hulyo hanggang Setyembre at dahil sa COVID-19 pandemic ay nagsilbi itong bilang frontliner.
Sa kaniyang social media, pinasalamatan nito ang Philippine Army dahil sa oportunidad na ipinamalas sa kaniya na itinuturing niyang isang karangalan at prebilihiyo.
Ipinagdasal din nito ang bansa na matigil na ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng grupong NPA.
Bukod sa mga fans ay binati siya ng mga kasamahan nito sa showbiz.