-- Advertisements --

Prayoridad ni Acting Socioeconomic Planning Sec. Karl Kendrick Chua ang pagbalangkas ng Philippine recovery plan bilang chief ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ayon kay Chua, isa ang pagbuo ng recovery plan laban sa COVID-19 crisis sa mga marching orders na ibinigay sa kanya ng Malacañng na maitalaga sa naturang puwesto.

Nauna nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa enhanced community quarantine mula Marso 17 hanggang Abril 13, pero pinalawig ng hanggang Abril 30 dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga kaso ng dahil sa COVID-19.

Bukod dito, sinabi ni Chua na susubukan din ng NEDA na pabilisin ang mga ginagawang hakbang sa national identification system pati na rin ang rollout ng mga infrustructure projects pagkatapos ng Luzon-wide lockdown.

Si Chua ang napiling kapalit ni dating Sec. Ernesto Pernia, na nagbitiw sa puwesto bilang NEDA chief noong nakaraang linggo.