-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Bumisita sa tanggapan ni Governor Nancy Catamco si Mindanao Development Authority (MinDA) Policy Planning and Project Development Officer Joey Recimilla upang magbigay ng briefing tungkol sa mga malalaking ilog sa Mindanao lalong-lalo na sa North Cotabato.

Ipinaliwanag ni Joey Recimilla sa gobernadora na isa sa pinagmumulan ng matinding pagbaha sa lahat ng mabababang lugar sa North Cotabato ay ang Pulangi river.

Napakahalaga para kay Catamco na mapapalaliman pa raw ang pagtalakay nito dahil sa epekto ng mga pagbaha.

“Kailangan na nating makabuo ng komprehensibong pagpaplano, kasama ang mga LGUs para alam natin ang ‘channeling’ ng tubig. Sa pamamagitan nito mas epektibo ang pagsasaayos ng mga dike, at mga kanal nang hindi masasayang ang pera ng gobyerno.”

Sa Nobyembre 27 ay itinakda na magkaroon ng Mindanao River Basin Management Council meeting sa Amas Capitol Rooftop upang talakayin ang mga solusyon, panukala at mga plano ng ahensya at ng pamahalaang probinsya kaugnay sa pagbaha sa mga low lying areas at mga main tributaries o malalaking ilog.