-- Advertisements --

CEBU CITY – Bunsod ng pananalasa ni bagyong Dante sa silangan parte ng Kabisayaan, ilang mga kalsada sa Cebu ang hindi madaanan kagabi dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Ilang malalaking highway sa lungsod ng Cebu at Mandaue ang binaha ng tubig saan nagdulot ito ng traffic at daan-daang mga motorista at pasahero ang na-stranded.

Sa talisay City, sa lalawigan pa rin ng Cebu, gumuho ang lupa sa Camp 6, sa Brgy. Manipis.

Agad naglabas ng abiso na ang Department of Public Works and Highway – Central Visayas at city government ng Talisay na umiwas muna sa mga mountainous road.

Habang hinahanda na ng Cebu provincial government sa pangunguna ni Governor Gwendolyn Garcia ang equipment pang rescue at iba pa, kasali na ang relief goods na ipamimigay sa mga apektadong residente.

Daan-daang mga pasahero rin ang stranded sa pantalan sa Cebu kung saan sa Angasil Port sa Lapu-Lapu City ay aabot sa 50 mga pasahero ang stranded at hindi na nakaabot sa last trip.

Sa kabilang banda, anim na mga mangingisda na nanggaling sa Danao City, sa Cebu ang nailigtas sa Brgy Southern Poblacion, Tudela sa Camotes Island ng Philippine Coast Guard matapos pumalaot kahapon nang madaling araw kahit nakataas na ang Signal No. 1 sa Northern Cebu.

Pinag-iingat na ngayon ni Tudela Mayor Greman “Jojo” Solante ang kanyang mga constituents sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa kanilang lugar.

Sa latest Bulletin ng PAGASA, nakataas pa rin ang Wind Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, habang ang Cebu at karatig na probinsya ay nasa ilalim pa ng Wind Signal No. 1.