-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Hihigpitan parin ang pagbabantay sa mga entry at exit point sa probinsya ng Cotabato sa mga papasok at lalabas na mga mamamayan sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease (Covid 19).
Subalit, hindi kasing higpit sa ibang lugar gaya ng Davao region at General Santos City.
Sa halip, mas mahigpit na pagbabantay ang gagawin sa bawat barangay ng lalawigan.
Ito ang napagkasunduan sa isingawang pulong ng Cotabato Inter-Agency Task Force.
Manatili parin sa MGCQ ang probinsya at mahigpit parin na ipatutupad ang minimum health protocols.
Sa ngayon kahit tumaas ang mga nagpositibo sa nakakahawang sakit marami naman ang gumaling sa probinsya ng Cotabato.