-- Advertisements --

Naniniwala si dating Senate President Aquilino Pimentel III na dapat ibase ang 2/3 vote treshold sa actual na bilang ng mga senador na nakapanumpa bilang senator-judge.

Aniya, kabilang pa rin sa magiging botohan ang mga senador na kasalukuyang may kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan, nagtungo sa ibang bansa, o hindi nakakadalo sa paglilitis.

Nanindigan ang senador na hindi dapat mabulabog ang impeachment trial sa mga serye ng pagkakakulong ng mga senator-judge dahil wala itong magiging magandang epekto.

Sa mata ng batas, nananatili aniyang senador ang mga ito, kahit pa sila ay nakakulong.

Hindi rin dapat inaalis ang posibilidad aniya na maaring makapagpiyansa ang mga ito o tuluyang makalaya sa mga susunod na araw.

Sa mga umaalis ng bansa, posible pa rin aniya na makabalik ang mga ito bago ang decision day sa impeachment trial ni VP Sara kung kaya’t dapat pa rin silang ikonsidera bilang mga nakapanumpa na senator-judges at maaring makaboto