-- Advertisements --
John Guiagi 3

Sinalakay ngayon ng Manila Police District (MPD) Station 4 ang pagawaan ng mga pekeng Inter Agency Task For (IATF) on Emerging Infectious Diseases at Department of Trade and Industry (DTI) rapid pass sa Recto Ave. sa lungsod ng Maynila.

Ang suspke na si Johnny Perez Jr, 32-anyos at computer artist at anim na iba pa ay mahaharap sa kasong paglabag sa article 172 ng revise penal code (RPC) o Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents at Bayanihan to Heal as One Act (RA 11469) ang suspek.

Ayon kay Lt. Col. John Guiagi, hepe ng MPD Station 4, nagkakahalaga ang isang ID o ang pekeng rapid pass ng P350 kada piraso.

Ang naturang mga ID ay naka-imprenta na sa bond paper at gugupitin na lamang para i-laminate.

Nadiskubre ang mga pekeng ID nang may sinitang driver ang mga pulis at hindi gumana ang QR code nito.

Sa ngayon, hawak na ng PNP ang walong suspek na kinabibilangan ng may-ari ng printing press kung saan ginagawa ang mga ID.