-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa posibleng storm surge na maitala sa coastal areas ng Caraga at Eastern Visayas dahil sa tropical storm Auring.

Ayon sa Pagasa, ngayon pa lang ay malalaki na ang naitatalang alon, kaya malaking ang posibilidad na sumampa sa lupa ang tubig ng dagat.

Batay sa severe weather bulletine number nine (9), napanatili ng bagyo ang lakas nito habang nasa karagatan o sa layong 595 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Kumikilos ang bagyo nang pa silangan sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal one (1) sa mga sumusunod na lugar: Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon at Lanao del Sur.