Minamadali na umano ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang rollout ng Philippine Identification System (PhilSys) kung saan target umano nilang makarehistro ng panimulang limang milyong katao sa katapusan ng 2020.
Sa Pre-SONA forum, sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na ang PSA ay nasa proseso na ng pagbili ng ABIS (automated biometric information system) ng PhilSys o national ID program.
Ayon kay Usec. Edillon, katuwang ng PSA ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para mapabilis ang pag-evaluate ng mga bids ABIS.
Layunin ng PhilSys na pag-isahin at pag-ugnayin ang mga “redundant” na government IDs sa pamamagitan ng itatatag na national identification system.