STEPHEN CURRY KERR

Ipinagmalaki ngayon ng Golden State Warriors na nasa kanyang pinakamatinding kondisyon ang kanilang two-time MVP na si Stephen Curry.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, timing ang pag-peak, physically at mentally ni Curry sa kabuuan ng kanilang training camp lalo na at sa susunod na linggo ay simula na ng 2019-2020 NBA season.

“He’s had an incredible camp. To me, he’s at his peak physically, mentally,” ani Kerr. “He’s seen every defense that people have thrown at him now during his career, and he’s ready to have a great year.”

Inaasahan daw ni Kerr na muling mamamayagpag sa bagong season si Curry kasama na ang pagiging lider ng team kasunod nang pagkawala ni Kevin Durant na lumipat sa Brooklyn Nets.

Habang ang isa pang main player ng Warriors na si Klay Thompson ay matatagalan pa ang pagbabalik sa NBA bunsod nang medical rehabilitation dahil sa natamong injury sa kaliwang ACL.