Binigyang linaw ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mag-aangkat pa rin ang bansa ng mga asukal mula sa ibang bansa.
Sinabi nito bilang siya rin ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa dating 300,000 metric tons na panukala.
Maaring mayroon lamang daw ng hanggang 150,000 metric tons ang aangkatin ng Pilipinas.
Posible kasi sa kalagitnaan ng Oktubre ay mauubos na ang suplay ng asukal sa bansa.
Dahil sa bilang ay naniniwala ito na nabawasan na ang importasyon ng asukal sa bansa.
Ipinaliwanag pa nito na kaya tinanggihan niya ang proposals ng 300,000 metric tons na importation ay dahil may sapat pang suplay ng asukal ang bansa.
Magugunitang nagbitiw sa puwesto si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian matapos na pirmahan ang kautusan na pag-angkat ng asukal ng walang pahintulot sa pangulo.