CEBU CITY- ‘Work relatedang unang anggulong tinitingnan ng Cebu PNP sa pag-ambush ng isang high profile lawyer na si Atty. Inocencio Dela Cerna doon mismo sa labas ng Cebu City Hall of Justice nitong Lunes.

Ito’y bagama’t inamin ng pulisya na nahihirapan sa imbestigasyon sa ngayon dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay City Director Police Col. Gemma Vinluan sinabi nito na meron nga silang nakuha na CCTV Footage ngunit hindi naman malinaw ang kuha at ang ibang CCTV Camera naman sa area ay hindi naman gumagana.

Naniniwala ang pulisya na may kaugnayan ang ambush sa mga kasong hinahawakan ng abogado.

Pero nilinaw naman ni Vinluan na nakakuha na sila ng inisiyal na pahayag mula kay Atty. Dela Cerna kaugnay sa posibleng nasa likod ng ambush pero hindi nila ito pwede isapubliko.

Hinikayat naman ng director ang mga abogado at sino mang nakatanggap ng death threat na dumulog sa kanilang tanggapan para matulungan