Cebu Ambush 1
Cebu Ambush 1

Humigit-kumulang sampu katao ang nag-ambush patay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro sa may M. Velez Street lungsod ng Cebu pasado alas 2 kanina ng hapon.

Kung maalala, inaresto kahapon si Navarro matapos isumbong ng isang John DueƱas sa pulisya na nambubugbog at nagpa-masturbate ng isang babaeng masahista sa loob ng isang massage parlor noong Miyerkules ng gabi.

Nitong Huwebes ng gabi ng dinala ito sa presinto, tumaas ang presyon ng dugo ng mayor at gusto sana nitong magpa-hospital arrest ngunit hindi ito pinayagan ni PMaj. Eduard Sanchez na may special treatment.

Si Navarro, na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay nasa isang van na patungo sana sa Cebu City Prosecutor’s Office upang sumailalim sa mga paglilitis nang inatake ng di pa kilalang mga gunmen.

Ayon pa kay P/M Sgt. Carlo Balasoto na humigit-kumulang 10 katao ang bumaba sa isang puting van at nagtungo sa likod ng kanilang sinakyan kung saan noong panahong yun ay nasa likod din nakaupo ang mayor. Pinalabas umano si Navarro at dun pa pinagbabaril.

Sugatan naman sa nasabing ambush ang hepe ng Clarin police na kasama ng alkalde at apat na iba pa na nakasakay sa van.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang dahilan sa pagkakapatay sa nsabing mayor.