-- Advertisements --

Ngayong Linggo ginugunita ang ika-21 anibersaryo ng September 11 na pag-atake sa World Trade Center, sa Pentagon, at ang pag-crash ng United Airlines Flight 93.

Narito ang ilan sa mga kaganapan na nagaganap ngayong katapusan ng linggo upang parangalan ang halos 3,000 buhay na nawala sa trahedya.

Ang taunang kaganapan sa site ng World Trade Center sa labas ng West at Vesey streets ay magaganap ngayong Linggo simula alas-8:40 a.m. Ang seremonya ay inaasahang magtatapos sa tanghali.

Inaasahang dadalo sina Vice President Kamala Harris at Second Gentleman Douglas Emhoff.

Tradisyunal na kasama sa seremonya ang pagbabasa ng mga pangalan ng mga biktima, gayundin ang mga sandali ng katahimikan sa mga punto kung kailan bumagsak ang mga eroplano sa magkabilang tore, nang bumangga ang American Airlines Flight 77 sa Pentagon, nang bumagsak ang United Airlines Flight 93 malapit sa Shanksville, Pennsylvania, at noong bumagsak ang magkabilang tore.

Hindi bukas sa publiko ang pag-access sa plaza habang ongoing ang seremonya. Ang museo ay isasara din sa publiko sa buong araw at bukas lamang ito para sa mga pamilya ng mga biktima ng 9/11.

Bandang alas-3:00 ng hapon ang Memorial Plaza bubuksan para sa publiko, kung saan makikita ng mga tao ang Tribute in Light, na mananatiling ilaw hanggang hatinggabi.

Mula dapit-hapon hanggang madaling araw ng Linggo ng gabi, ang mga twin beam na sumasagisag sa mga tore ng World Trade Center ay magpapatingkad sa skyline ng lungsod.

Ang mga beam ay umaabot hanggang apat na milya sa kalangitan at nakaposisyon sa dalawang 48-foot squares, na kumakatawan sa hugis at oryentasyon ng Twin Towers.

Ang tribute ay makikita mula sa 60-milya radius sa paligid ng lower Manhattan.

Ang iba’t ibang landmark sa buong lungsod, kabilang ang Empire State Building, One World Trade Center, ang LIRR East End Gateway sa Penn Station at ang Kosciuszko Bridge, ay mag-iilaw din sa asul sa gabing iyon upang markahan ang anibersaryo ng mga pag-atake.

Habang ang NYC Fire Museum sa 278 Spring Street ay magsasagawa ng wreath-laying ceremony bandang alas-11 ng umaga.Ito ay magaganap sa permanenteng memorial ng museo na nakatuon sa 343 miyembro ng FDNY na nasawi noong 9/11.

Ang taunang memorial sa Staten Island ay ginaganap Linggo ng gabi bandang alas-6:30 p.m. at ginaganap sa Postcards Memorial site sa St. George, na nagpaparangal sa 274 na residente ng Staten Island na nasawi sa 9/11 na pag-atake.

Si Borough President Vito Fossella ang nagho-host ng seremonya, kung saan itatampok ang pagbigkas ng mga pangalan ng mga Staten Islanders na nasawi noong 9/11.

Pinaparangalan din nito ang mga unang tumugon na namatay dahil sa mga sakit na nagmumula sa kanilang trabaho sa site ng World Trade Center.

Magkakaroon din ng Interfaith Prayer and Peace Vigil na gaganapin sa U.N. Public Plaza bandang alas-2 ng hapon.

Ang Tunnel to Towers Foundation ay magho-host ng seremonya ng pag-alaala sa panalangin sa base ng America’s Response Monument – na matatagpuan sa Liberty Park, hindi kalayuan sa 9/11 Memorial & Museum – upang parangalan ang halos 3,000 buhay na nawala noong 9/11.