Nilinaw ng pangulo ng Centerways Construction and Development Inc. ang isa sa 15 construction company na nakakuha ng flood control projects ng gobyerno na sariling pera nito ang ginastos bilang tulong sa pangangampanya kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero.
Sa isinagawang pagdining sa House of Representatives ukol sa anomalya ng flood control projects, sinabi ni Lawrence Lubiano, na P30 milyon mula sa sariling pera ang ibinigay bilang campaign donation kay Escudero noong 2022 elections.
Wala na rin itong ibang mga kandidato na nabigyan ng anumang donasyon sa halalan.
Paglilinaw ni Lubiano na ang pera ay hindi galing mula sa kaniyang kumpanya.
Magugunitang inamin ni Escudero na naging kaibigan niya si Lubiano kung saan isa umano siya sa mga campaign contributors noong 2022 elections.