-- Advertisements --
Minaliit lamang ng Philippine Air Force (PAF) ang nakitang technical problem sa G280 command and control aircraft.
Ang nasabing eroplano ay siyang maghahatid sana kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa South Cotabato nitong Miyerkules ng umaga subalit ilang minuto ng ito ay lumipad ay nakaranas ng aberya kaya inilipat ang pangulo sa ibang eroplano.
Pagtitiyak ng PAF na mayroong agad na back up na eroplano na C-295 na siyang sinakyan din ng pangulo.
Bilang pagsunod sa safety procedure ay minabuti ng PAF na huwag na muna itong gamitin habang inaayos ang nasabing problema.