-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa pag-carnap sa isang Toyota Wigo na natagpuan sa Barangay 50. Buttong dito sa Lungsod ng Laoag.

Ayon kay Police Lt. Col. Andrew Rabang, ang chief of police dito sa Lungsod ng Laoag, matapos silang makatanggap ng report na may nacarnap na sasakyan ay agad silang nakikoordina sa Ilocos Norte Police Provincial Office para mai-alarm ang description ng sasakyan.

Sa pagpatrolya ng mobile patroller ng Philippine National Police ay nakita nila ang behikulo sa nasabing barangay.

Subalit sinabi ni Rabang na base sa kanilang imbestigasyon ay may paper bag umano sa loob ng sasakyan na naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng pera ang nawawala.

Sa ngayon sinabi ni Rabang na nanatili ang suspek sa kustodya ng Philippine National Police dito sa Lungsod Laoag subalit hindi na muna ito nagbigay ng karagdagang detalye kasama na rito ang pagkakakilanlan sa nasabing suspek.