-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine Air Force (PAF) ang dahilan sa pagbagsak ng kanilang unmanned aerial vehicles (UAV) sa Cagayan de Oro City, kahapon Sabado.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing spy plane.

Batay sa ulat ng PAF bandang alas-9:30 ng umaga kahapon ng mag take off ang Hermes 900 drone sa Lumbia Airport para magsagawa ng functional check flight.

Pagkatapos ng check flight bigla na lamang itong bumagsak mula sa taas na 10,000 ft.

-- Advertisement --

“At around 11:46 a.m., communications with the UAV was cut. All emergency procedures were performed and Field Service Representatives were called for troubleshooting,” pahayag ng PAF.

Sinabi ni Mariano, bumagsak ang nasabing UAV sa isang vegetated area.

Walang sibilyan na naiulat na nasugatan bagamat may mga ari-arian ang na damaged.

Ang Hermes 900 drone ay gawa ng Israeli company.