Nagbigay bilang donasyon ng limang bus sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Senator Manny Pacquiao para libreng masakyan ng mga healthcare workers at ibang mga frontliners.

Makakatulong ang nasabing mga sasakyan dahil sa ipinapatupad na total lockdown.

Nauna rito nagbigay ng 700,000 na mga facemask ang Filipino boxing champion para sa MMDA, PNP, AFP, Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine.

Katuwang din ng kaniyang foundation ay kasama niya ang Chinese billionaire na si Jack Ma na nagbigay ng 50,000 na COVID-1 testing kits para sa bansa.