-- Advertisements --
Kumpiyansa si Filipino boxing icon at dating senator Manny Pacquiao na susuportahan ng gobyerno ang pagdiriwang ng ika-50 taon ng “Thrilla in Manila” sa buwan ng Oktubre.
Personal na binisita ni Pacquiao si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Malakanyang at tinalakay ang nasabing usapin.
Naging positibo naman aniya ang pangulo kung saan umaasa ito na matutuloy ang nasabing pagdiriwang.
Magugunitang sa Pilipnas ginanap ang ikatlong paghaharap ng mga boxing legend na sina Muhammad Ali at Joe Frazier noong Oktubre 1, 1975 sa Araneta Coliseum kung saan ang naka-upong pangulo ay si dating Pres. Ferdinand Marcos Sr.
Dagdag pa ni Pacquiao na ikinuwento sa kaniya ng Pangulo na nasaksihan niya ang ginawang training ni Muhammad Ali.