Reading Time: 1 minute

Target ng isang Japanese promoter na magkaroon ng event na ang tampok ay si Sen. Manny Pacquaio.

Kasunod ito nang pagpirma ng fighting senator ng kasunduan para sa isang kickboxing match sa Abril 21.

Isasabak kasi ni Pacquiao si Fritz Biagtan na lalaban kay Tenshin Nasukawa ng Japan.

Si Nasukawa ay siyang fighter na nakalaban noon ni Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ni Rizin CEO Nobuyuki Sakakirbara, na hindi lamang magtatapos doon ang kanilang partnership dahil mas maganda kung magkaroon ng event na ang lalaban ay mismong si Pacquiao.

Sakaling pumayag daw si Pacquiao ay ilalaban nila si MMA star Takanori Gomi.