pacquiao thurman2
Pacquiao – Thurman

Hindi na pinansin ng kampo ni Manny Pacquiao ang panibagong pahayag ni Keith Thurman na pupusta ito sa kaniyang sarili ng $10,000 para patumbahin ito mula una hanggang ikatlong round sa kanilang paghaharap sa July 20 sa Las Vegas.

Ang nasabing pahayag ni Thurman ay bilang sagot sa pahayag ni boxing coach Freddie Roach na makakakuha ng malaking puntos ang 40-anyos na Filipino boxing champion.

Dagdag pa ng undefeated American boxer na mas maganda kung pupusta ito ng kada round at matitiyak na sa ikalawang round pa lamang ay tulog na ang fighting senator.

Itinuturing din ng mga betting odds sa America na underdog si Pacquiao sa laban nila ni Thurman.