dadashev matias

Nagpaabot din nang kanyang pakikiramay si Senator Manny Pacquiao sa iniwang pamilya ng namatay na boksingero na si Maxim Dadashev na dumanas ng brain damage matapos ang laban.

Sa kanyang mensahe ipinaabot din ng fighting senator ang panalangin para kay Dadashev at sa pamilya.

Una rito si Dadashev ay na-comatose mula pa nitong nakalipas na Linggo makaraang dumanas ng technical knockout loss laban kay Subriel Matias para sa IBF junior welterweight elimination match na ginananap sa Oxon Hill sa Maryland, USA.

Bago ito ipinatigil ng trainer ng boksingero na si Buddy McGirt ang laban sa 11th round dahil sa matinding tama na ng mga suntok na inabot ni Dadashev.

Nakagawa pang makalakad si Dadashev pero bigla na lang itong natumba at nagsimula nang sumuka.

Matapos ang surgery sa utak ay na-comatose na ito.

Ang 28-anyos na si Dadashev ay isang Russian junior welterweight boxer na meron 13 panalo at isang talo sa kanyang career.