Sixers simmons
-- Advertisements --

Nakaalpas sa isang puntos lamang ang Philadelphia Sixers laban sa New York Knicks, 101-100 sa overtime game.

Nagligtas sa 76ers ang dalawang free throws ni Tobias Harris na may 5.3 points na lang ang natitira.

Nanguna sa Sixers si Shake Milton na may 21 points upang itala ng team ang ika-30 panalo ngayong season.

Ang Knicks naman ay nasa 21-22 kung saan nanguna si Julius Randle na nagpakita ng 24 points at minalas na maipasok ang huling tira sa pagtatapos ng game.

-- Advertisement --