Reading Time: 1 minute
Maldives of Novosibirsk
Maldives of Novosibirsk

NOVOSIBIRSK, Siberia – Nagbabala ang mga eksperto sa panganib na dala ng isang magandang tanawin sa Siberia na paboritong puntahan para sa photo at video shoots.

Inilalarawan kasi ito ng ilan bilang “Maldives of Novosibirsk,” dahil kahawig ng mga sikat kung ito ay pagmamasdan.

May ilang pre-nuptial photos pa ang kinunan dito na sumikat sa internet.

Pero lumalabas na ang ganda ng lugar ay resulta ng itinatapong kemikal mula sa Siberian Generating Company mula sa Russia.

Bagama’t hindi raw nakakalason ang kakaibang kulay ng tubig, maaari namang magdala ng allergic reaction sa balat at iba pang negatibong resulta ang matagal na pagkakababad dito.

Sinasabing ang sky blue at puting kulay ang lawa ay dahil sa mataas na pH level, calcium salts at iba pang metal oxides.